Kapag walang mata ng publiko na nakatitig sa deliberasyon, kapag walang nag-iingay...aba, happy hour ang mga gustong bumalasubas sa badyet Simula sa linggong ito, magsisimula ang committee hearings para sa panukalang national budget para sa 2027, na naglalaman ng questionable funds at appropriations na dapat bantayan ng publiko. Ang mga ordinaryong mamamayan ay nahaharap sa mga hamon sa araw-araw na buhay, kaya't mahalaga na hindi mawalan ng pakialam sa kung paano ginagamit ang buwis na kanilang binabayaran. Ang tamang pag-monitor ng budget ay may direktang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino, mula sa presyo ng mga bilihin hanggang sa kalidad ng mga serbisyong pampubliko. This is AI-generated. Read the article for full context. Report any errors. Simula sa linggong ito, sa usapin ng posibleng paglulustay ng buwis na ibinabayad natin sa gobyerno, hindi na lang sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte tayo magtu-tune in. Magsisimula na rin ang committee hearings para sa panukalang national budget para sa 2027. Ibig sabihin, sa magkabilang kamara ng Kongreso, uulan ng mga numero sa mga susunod na linggo hanggang bago mag-Pasko. At nakikini-kinita na naming marami sa ating mga kababayan ang baka mawalan na lang ng pakialam. Huwag! Please, huwag tayong mawalan ng pakialam! Oo, mas madaling mag-give up na, ano ba naman ang magagawa natin? Sila ang nasa puwesto, sila-sila ang nagnenegosasyon at nagdedesisyon. May taon bang nawalan — ever — ng mga kababalaghan sa badyet? Oo, may katuwiran na tutukan na lang nating mga ordinaryong mamamayan kung paano mabubuhay nang may sapat at may dignidad sa araw-araw. Nangaunti na ang laman ng basket natin sa palengke. Kinain na ng pagpila sa terminal at pagkaipit sa trapik ang kalahati ng working day natin. Aandap-andap tayong kung magkasakit ay masisimot ang kaunting ipon. May trauma na tayo na sa tuwing uulan ay magmimistulang ilog ang mga kalye at bahay natin. In other words, ang gusto nating sabihin: wala na tayong espasyo sa isip, at pagod na ang ating damdamin, para maapektuhan pa ng kung paano ginamit ni VP Sara Duterte ang daang milyong confidential funds para sa Christmas parties, o inubos sa loob ng isang araw, o sa pagbili ng impormasyon o supplies sa mga inimbentong pangalan. Sinasabi natin na we’re too busy trying to survive, para sundan pa ang pagbusisi kung paano gumastos ang mga ahensiya ngayong 2026, at magkano naman ang ilalaan sa mga ito, sa anong programa, proyekto, at serbisyo, at saang probinsiya nila ibubuhos ang pondo sa susunod na taon. Pero ang ganitong attitude ang gustong-gusto ng mga kawatan sa gobyerno at mga kasabwat nilang kontratista mula sa pribadong sektor (minsan one and the same lang sila — katulad ng “mambabatas” sa House of Contractors). Kapag walang mata ng publiko na nakatitig sa deliberasyon, kapag walang experts at civil society groups na nagpa-flag ng mga kaduda-dudang items sa National Expenditure Program, kapag walang nag-iingay sa media, sa kalye, sa pulong-barangay, sa eskuwelahan, sa simbahan… Aba, happy hour ang mga gustong bumalasubas sa badyet. Para sa 2027, ang hinihiling ng gobyerno ay ₱7.2 trillion. At sa pahapyaw na tingin pa lang, mayroong: P10.773 billion confidential and intelligence funds, na alam nating mahirap i-audit (case in point, kaya may impeachment trial ang Vice President ngayon); P112 billion unprogrammed funds, na nakaantabay sa mga hindi pa tiyak na proyekto, kaya puwede ring kung saan-saan na lang gamitin; P107.4 billion flood control funds ng Department of Public Works and Highways, na nabunyag na ngang naging bumabalong source ng ibinubulsang pera nitong nakaraang dekada. “Questionable lump-sum appropriations” para sa infrastructure projects ng isang ahensiya, na pangako ni Senator Ping Lacson ay hihingan niya ng paliwanag at mga detalye. Isipin ’nyo kung ano-ano pa ang puwede nating mabungkal, maibunyag, at maipatigil kung babantayan natin ang proseso na parang sariling household budget ang minomonitor natin. Actually, hindi parang sariling pera natin ang national budget at confidential funds. Pera talaga nating mga Juan at Juana dela Cruz ’yan. Galing ang pondo ng gobyerno sa lahat ng buwis na kinakaltas sa suweldo natin, sinisingil sa mga negosyo natin, at ipinapataw sa lahat na lang ng binibili, kinakain, aktibidades, at serbisyong (bahagyang) natatanggap natin. Kapag bumili tayo ng instant noodles, sardinas, mantika, may value added tax ang mga iyan. Kahit nga ang load sa cellphone, meron tax, pati ang pagkain sa restaurants. Kung may kotse ka nga, nagbabayad ka ng road user’s tax. Lalabas ka ng bansa, may tax pa rin sa airport. Kaya kung saan ilalagay ang kada piso sa pinag-uusapang badyet ay may direktang epekto sa daily survival ng ordinaryong Pilipino. Halimbawa: Kung tatabasan ang pondo na susuporta sana sa mga pagsasaka, papalya ang agricultural food supply chain, at magsisitaasan ang presyo ng bigas, gulay, at karne. Kung ilalaan sa mga maling priyoridad ang pera, hindi maia-upgrade o mamementena nang tama ang train system natin, mababawasan ang public transport subsidies, babaha dahil joke lang ang drainage projects, patuloy na magiging kalbaryo ang araw-araw na biyahe. Kung babawasan ang pondo para sa sektor ng kalusugan, malilimitahan ang mga gamot, mabubulok ang ventilators, mababawasan ang slots para sa dialysis, chemotherapy, at iba pang serbisyo sa mga pampublikong ospital. Resulta: tatakbo tayo sa pribadong ospital, kung saan mas malaki ang gastos, o hindi na lang tayo magpapagamot at hindi makakapaghanap-buhay. Kung hindi daragdagan ang badyet ng Department of Social Welfare and Development, liliit ang ayuda sa mas dumaraming hirap sa buhay. Kaya sana ’wag tayong mag-tune out. Dagdagan ang tiwala sa kapangyarihan ng pag-iingay. Maging matapang na diinan ang mga mambabatas (Hello, 2028 elections!). Pag-apuyin ang dikit-dikit nating mga baga para tuluyan nang malitson ang mga patabaing baboy sa gobyerno. Maling akala ’yung wala tayong magagawa. – Rappler.com How does this make you feel? Loading
[EDITORIAL] ’Wag na ’wag nating sukuan ang pagbabantay sa pera ng bayan
Full Article
Original Source
Read the full article at Rappler →KhanList aggregates and links to publicly available news content. We do not host full articles from third-party sources. Always verify important information with original sources.