[EDITORIAL] Matematika ng hustisya sa impeachment trial ni Sara Duterte

[EDITORIAL] Matematika ng hustisya sa impeachment trial ni Sara Duterte

Malinaw ang tagubilin ng dating chief justices: iwasan ang procedural paralysis at ipakita na living instrument para sa hustisya ang Konstitusyon Nasa sangandaan ang Senado na nakaupo bilang Senate impeachment court. Kailangan nitong i-operationalize ang Article XI, Section 3(6) ng 1987 Constitution na nagmamandato ng pagsang-ayon ng “two-thirds of all the Members of the Senate” para sa isang conviction. Una nang naglabas ng ruling si Presiding Officer Chiz Escudero na 16 ang kailangang bumoto upang ma-convict ang isang impeached official. Pero mula nang inilabas niya ang desisyon, nadagdagan na ang empty chairs sa Senado. Maliban sa nakadetineng sina Senador Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta, at puganteng si Bato dela Rosa, nag-”medical leave” at nag-abroad na rin si Senadora Loren Legarda. Things aren’t what they appear to be sa kaso ni Legarda — ayon sa Ombudsman, sasampahan siya at ang anak niyang si Congressman Leandro Leviste ng plunder and graft complaints dahil sa solar projects ni Leviste. Kaya’t maraming nagtatanong: Nagtatago ba si Legarda? Pero ngayong humingi ng payo ang mga senador mula sa apat na retired Supreme Court justices, tatlo ang sumalungat sa pananaw ni Escudero na nauna nang nagpahayag ng kahandaang repasuhin ang desisyon. Ayon sa mga dating Supreme Court chief justices na sina Hilario Davide Jr., Artemio Panganiban, at Reynato Puno, hindi raw immutable o nakataga sa bato ang threshold. Ayon naman kay Associate Justice Adolfo Azcuna, ang “all” sa “two-thirds of all the Members of the Senate” ay nangangahulugang “all means all” o 24. Sa pagbibigay ng framework na dapat aktibong miyembro ng Senado ang kalipikadong bumoto, binigyan ng mayorya ng amici curiae ang upper chamber ng constitutional framework na nag-a-angkla ng paglilitis sa fairness, logic, at public accountability. (BASAHIN: [OPINION] A reset the Senate impeachment court needed) Sabi nga ni retired Justice Panganiban, hindi puwedeng i-reduce sa “abstract mathematics” ang interpretasyon. Kapag pinayagan ang phantom votes mula sa mga absent na miyembro — dahil ang no-vote ay katumbas ng acquit vote — naha-hijack ang orihinal na layon ng paglilitis. Tanong naman ni retired chief justice Hilario Davide Jr. — na isa sa framers ng 1987 Konstitusyon at presiding judge sa unang impeachment trial ng bansa — patas bang isama ang mga nagtatago, legally detained, sick o hospitalized, samantalang hindi nila napag-aralan ang mga dokumento at hindi nila nasaksihan ang demeanor ng mga witness? Sabi naman ni retired chief justice Reynato Puno, kung talagang ginusto ng framers of the Constitution na maging-rigid ang 16, dapat ay 16 ang isinulat nila at hindi two-thirds. Sa paggamit ng “two-thirds” dinisenyo ng framers ang isang dynamic formula na makatutugon sa situwasyon. Kuwentahin natin, kapag 16/20 ang itinakda ng proseso, halos 80% na ang conviction requirement. Tila labis na ito sa konsepto ng supermajority na matutugunan naman ng 70%. Nasasapol ‘yan ng 14/20 at tila siyang makatarungan at patas na numero. Mga lawyer man o walang backround sa abogasya, dapat iwaksi ng Senado ang makitid na technicalities at tanungin ang mga sarili ano ang inaasahan sa kanila ng taumbayan. Malinaw ang tagubilin ng mga dating chief justice: iwasan ang procedural paralysis at ipakita na living instrument ng pagiging patas at pagyakap sa pananagutan ang Konstitusyon. Setyembre 21 ngayon — anibersaryo ng Martial Law declaration 54 taon nang nakalilipas. Matapos ang higit limang dekada, ano ang maipagmamalaki natin maliban sa pag-alpas mula sa isang diktador? Kamakailan, pinaboran ng Supreme Court ang pagtulak sa Kongreso na isabatas ang isang anti-dynasty law. Ganitong mga pagpapasiya ang nagpapaunlad ng buhay natin bilang isang demokrasya na dapat maging milestone ng limang dekada matapos ang Martial Law. 54 years matapos ang Martial Law, huwag sanang masalaula ang matematika ng hustisya sa impeachment trial. – Rappler.com How does this make you feel? Loading

Original Source

Read the full article at Rappler →

KhanList aggregates and links to publicly available news content. We do not host full articles from third-party sources. Always verify important information with original sources.