Lalo pang nanuot sa buto ang kababawan, kayabangan, at 'feeling superior' na attitude laban sa may kapansanan dahil sa mindless vanity culture ng Instagram at Facebook Nakauuga ang pangungutya ng Machong Chismisan kay Josh Aquino, anak ni Kris Aquino na nasa autism spectrum. Nakauuga rin ito dahil muling masisilip dito ang maitim na budhi ng Philippine media culture. Nagagalit tayo, hindi dahil anak siya ni Kris Aquino — but inspite of it. Imagine, kung ang anak ng prestihiyosong pamilya’y hindi nakaligtas maging fodder sa sick jokes ng mga insecure male scum — paano na ang mahihirap na neurodivergent? Disability should never be a punchline. ‘Yan ang reaksiyon ng Autism Society of the Philippines. At lalo nang hindi dapat maging cheap punchline for a room full of laughing men. (Basahin dito kung interesado kayo sa buong kuwento ng disabled-bashing.) To use the impeachment trial’s favorite word last week, “binangga” ng toxic masculinity ang persons with disability movement. Siyempre, ililibing nang buhay ang fake macho hosts ng Machong Chismisan. Pero hindi puwedeng back to normal programming pagkatapos nito. Kailangang may magbago. Hindi lang ito dapat maging race to say what’s politically correct. Dapat maging salamin ito sa lipunang Pilipino na tawang-tawang manlait ng mahihina at may kapansanan. Ilan ba sa mga nagmamalinis ang secretly ay kiliting-kiliti kapag sinusundot ang mga hindi pasado sa depenisyon ng lipunan ng “normal” at “maganda”? Hindi dahil nagkalat na ang mga asosasyong tulad ng Autism Society at naipasa na ang mga batas laban sa diskriminasyon ay masasabing humupa na ang masamang ugaling ito. If anything, lalo pang nanuot sa buto natin ang kababawan, kayabangan, at “feeling superior” dahil sa mindless vanity culture ng Instagram at Facebook. Sa social media, wala sa hulog ang pangit, mahina, at higit sa lahat, hindi “normal.” Matagal nang ingrained sa kultura natin ang ganitong mentality dahil sa impluwensiya ng noon-time shows na nag-go-glorify sa mga lalaking nagpapamalas ng casual cruelty sa mga babae, sa may kapintasan o may kapansanan. Sa kaso ng Machong Chismisan, barako banter, edgy comedy, at irreverent wit kuno ang excuse nila para manlait at manlibak ng kapwa. Tila bigo ang lipunan nating magturo ng empathy mula sa duyan. Hindi lang tolerance ang kailangan ng mga disabled at neurodivergent. Kailangan nilang mapangalagaan, at ma-integrate bilang productive members ng komunidad. Araw-araw, humaharap ang mga pamilyang nagpapalaki ng anak na may Down syndrome, autism, at iba pang disabilities hindi lang sa backward attitudes, kundi pati sa systemic hurdles. Struggle sa kanila ang humanap ng tamang paaralang affordable pero inclusive, at lalo na affordable health care. Pagkatapos igapang sa pag-aaaral, walang puwang ang mga disabled na kabataan sa workforce na biased sa manggagawang may developmental disability. On the cultural front, we have to force Philippine media to grow up. Kailangan ng bystander intervention sa harap ng ganitong cruelty, online and offline. Huwag palusutin ang disability-shaming. Huwag i-click, huwag i-patronize ang cavemen antics ng mga sangganong naglipana ngayon online. Hindi caricature si Josh — ayon sa mga kaibigan at pamilya niya, siya ay malumanay, mabait, at madasalin. Inaalagaan niya ang nanay niyang may sakit. Sabi ni Senadora Risa Hontiveros, chair ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality: “The true measure of our character is how we treat the most vulnerable members of our society.” Hindi ito dapat magtapos sa apologies. Whole of society effort ang inclusivity, at dapat maganap ito sa antas ng komunidad, paaralan, batas, at higit sa lahat, sa social services ng pamahalaan. Dahil ang press release natin, disenteng tao tayo. Fake it till we make it. – Rappler.com How does this make you feel? Loading
[EDITORIAL] Cruelty is not wit — itigil ang disabled-shaming
Full Article
Original Source
Read the full article at Rappler →KhanList aggregates and links to publicly available news content. We do not host full articles from third-party sources. Always verify important information with original sources.